Kahit sobrang masaya ako sa buhay ko ngayong kolehiyo.
Kahit marami akong nakilalang mga bagong kaibigan na magiging parte ng buhay ko magpakailanman.
Kahit na isa sa mga pinakamagandang pangyayari sa buhay ko ang pagiging Atenista,
Hindi ko parin mapigilang malungkot at maiyak tuwing naaalala ko ang buhay ko noong high school.
Sobrang nakakalungkot.
Sobrang sarap balik-balikan.
Miss ko na ang UP Rural High.
Miss ko na umupo sa mga kahoy na upuan na kung minsan ay may pako pa na nagiging dahilan ng pagkapunit ng uniform ko.
Miss ko na magpaypay dahil sa sobrang init.
Miss ko na maghubad ng sapatos at itaas ang aking mga paa habang nakikinig kay Sir Alvin.
Miss ko na magkopyahan sa Physics Exercises.
Miss ko na magdoodle sa notebook tuwing tinatamad kumopya ng notes.
Miss ko na tumapat sa aircon sa library para magpalamig.
Miss ko na magpaphotocopy ng mga hand-outs.
Miss ko na ang CR na supeeeeer dupeeer linis.
Miss ko na magboknay at maglagay at magpalagay ng hairpins.
Miss ko na kumain ng pancit canton, siomai, barbecue at isaw kina Mang Dags.
Miss ko na ngumatngat ng Yoghurt Sticks.
Miss ko na sumakay sa mga magical Rural jeeps.
Miss ko na tumambay sa service nila Abi.
Miss ko na asarin si Cassie kay Sir Espie
Miss ko na ang mga super corny jokes nila Micah at Sarah.
Miss ko na magservice.
Miss ko na awayin at sabunutan si Aleli.
Miss ko na makipagkwentuhan ng Gossip Girl kina Denise at Vivien.
Miss ko na ang pangbubully nila Pat at Margie.
Miss ko na ang panlalait ni Dora.
Miss ko na ang samahan si Gemma nang suuuuper tagaaaal sa CR.
Miss ko na makinig sa mga pangaral ni Heide.
Miss ko na makipagkwentuhan kay Maica.
Miss ko na asarin sina Kim at Kat.
Miss ko na makinig sa mga love stories ni Betz.
Miss ko na tumawa sa mga banat ni Meeren.
Miss ko na mahawa sa pagiging fan girl ni Ate Trisha.
Miss ko na ang katarayan ni Lali.
Miss ko na ayusan ng buhok at utuin si Tara.
Miss ko na makipagkwentuhan ng PBB kay Abi.
Miss ko na gulatin si Jamaine.
Miss ko na kulitin si Grace.
Miss ko na ang pagiging baliw ni Bea.
Miss ko na hiramin ang cellphone ni Kalene.
Miss ko na ang tawa ni Chin-Chin.
Miss ko na ang friendship nila Coleen at Mae.
Miss ko na kasabay si Quennie pauwi.
Miss ko na manuod ng movies sa bahay nila Mau.
Miss ko na ang magandang mukha ni Jello.
Miss ko na itirintas ang buhok ni Michh.
Miss ko na mang backstab kasama si Ian.
Miss ko na subaybayan ang “bestfriend love story” ni Jheanna.
Miss ko na ang paghigit sa buntot ni Louey.
Miss ko na ang pagiging stalker ko kay Macho.
Miss ko na makinig sa mga updates ni Kuya Romy.
Miss ko na ang DG kasama sila Sir Lee.
Miss ko na mag sleep over.
Miss ko na magplano na hindi naman natutuloy.
Miss ko na mamroblema sa transpo pero sa huli nagiging okay naman.
Miss ko na mag coffee shop almost everyday.
Miss ko na ang paninita ni Mang Alex pag wala akong ID.
Miss ko na bumili ng Bacon Sandwich kay Ate Elsa at ng Iced Tea kay Ate Iced Tea.
Miss ko na ang mga candies na pansukli ni Ate Vera.
Miss ko na ang pambibintang sa akin ni Ate Nida.
Miss ko na ang refrigerator na kuhanan ng drinks kung saan ako lagging nakakaadvantage.
Miss ko na gamitin ang “print”, “advantage”, “awas” at “k po”.
Miss ko na makipagtitigan sa test papers dahil wala akong maisagot.
Miss ko na gumawa ng lab reports.
Miss ko na picturan yung mga visuals sa Econ.
Miss ko na mag alaga ng baboy at magkatay ng manok.
Miss ko na magtext sa klase.
Miss ko na mag general cleaning.
Miss ko na mag “ate” at “kuya” sa upper class men.
Miss ko na gumawa ng OP.
Miss ko na yung pamatay ng kaba tuwing Gen Sci.
Miss ko na mag party tuwing Akwe.
Miss ko na ang maraming ginagawa.
Miss ko na magisip ng dahilan kung bakit ako absent.
Miss ko na mameke ng slip para makalabas pag wala nang klase.
Miss ko na ang mga bagsak na grades.
Miss ko na ang pagiging crammer.
Miss ko na matulog sa klase.
Miss ko na magsuot ng white blouse at aquamarine skirt.
Miss ko na ang eLBi.
Miss ko na maging isang Ruralite. :">
Labels: batchmates, ruralite, up rural